7 mga katotohanan tungkol sa pagong
Narito ang ilang mga kagiliw-giliw na katotohanan tungkol sa pagong na maaaring ika-mangha mo.
1. Ang mga pagong ay kabilang sa isa sa mga pinakalumang grupo ng reptilya sa buong mundo. Ang kanilang pinagmulan ay noon pang panahon ng mga dinosaur na halos 200 milyong taon nakaraan kung kayat ang pagong ay higit na mas matagal na sa mondo kaysa sa mga ahas at mga buwaya.
2. Ang kabibi (bahay) ng pagong ay tunay na bahagi ng kanyang mga buto nito at binubuo ng halos 50 na mga buto. Ang bahay ng pagong ay bahagi ng kanyang tadyang at gulugod. Ang bahay ng isang pagong ay lumalaki kasabay sa edad nito tulad ng buto ng tao.
3. Sa kabila ng pinaniniwalaan ng karamihan sa mga tao, ang mga pagong ay hindi maaaring lumabas sa kanilang mga bahay. Ang kanilang mga bahay (kabibi) ay lumalaki kasama nila at imposible para sa kanila na lumaki ng higit pa sa kanilang mga kabibi (bahay). Ang mga “pagong dagat” ay hindi katulad ng iba pang mga pagong na may kakayahang iurong ang kanilang mga ulo pabalik sa kanilang mga bahay.
4. Ang mga pagong ay mahilig sa dikya, kahit na ang ilang mgaito ay nakakalason. Ang kanilang gana para sa dikya ay paminsan-minsan ay napatunayan na nakakapinsala sa kanila nang maraming beses sapagkat nakakakain sila ng plastik na iniisip nilang dikya na palutang-lutang na maaaring ikamatay nila. Ang mga pagong ay maaaring kumain ng mga pagkaing hayop at mga halaman.
5. Ang mga pagong ay humihinga ng hangin at inilalagay ang kanilang mga itlog sa lupa. Bagamat ginugugol ng pagong ang karamihan sa kanilang buhay sa ilalim ng dagat, sila ay nangingitlog sa lupa. Karamihan sa mga nilalang sa dagat ay nangingitlog mismo sa dagat at hindi sa lupa.
6. Ang mga pagong ay may malamig na dugo na nagreresulta sa isang hindi kapani-paniwalang mahabang tagal ng buhay. Ang isa pang dahilan kung bakit mahaba ang kanilang buhay ay ang kanilang mabagal na metabolismo at maaari silang mabuhay nang walang pagkain at tubig sa mahabang panahon. Maaari rin silang mabuhay sa malupit na mga kondisyon ng kapaligiran kung kayat isa itong rason sa mahaba nilang buhay.
7. Mayroong kabuuang humigit kumulang 300 mga species ng mga pagong sa buong mundo, na kung saan 129 mga uri ay nanganganib nang mawala sa mundo. Ito ay dahil sa patuloy na pagkagambala ng tao sa kanilang likas na tirahan.
Pinagmulan: indiatoday.in
No Comment to " 7 mga katotohanan tungkol sa pagong "