Miso
Malapot ang sarsang ito at maalat-alat sa pan-Malapot ang sarsang ito at maalat-alat sa panlasa. Marami sa mga putaheng Hapones at Tsino ang gumagamit sa miso, at inilalahok din ito sa ilang pagkaing Filipino.
Maraming Pinoy ang nakakakilála sa miso dahil sa putaheng “sinigáng sa misó.” Bagay na bagay ang maalat na miso sa asim ng sampalok at pait ng gulay. Ilan sa mga uri ng isdang ginagamit sa sinigang sa miso ay bangus, talakitok, maya maya, salmon, at tuna.
Bukod sa sinigang, kilalá rin ang misó sa sopas (miso soup), na madalas ay sinasahugan ng tofu. Nariyan din ang putaheng pesà, at isda naman ang itinatambal sa miso, tulad sa sinigang, at nilalahukan ng madadahong gulay.
Maaari rin gamitin ang miso bilang pamalit sa alat na hatid ng toyo at bagoong, pangmarinada, pampadagdag-lasa sa gravy, dressing ng salad, at pampalit ng gatas sa paggawa ng mashed potato.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Miso "