Sinigang
Tola o tinola ito sa mga Bisaya.
Tulad ng bulanglang, isang lutuing gulay ito na may sabaw. Pangunahin sa gulay ang kamatis, kangkong, selerĂ, sibuyas, labanos, at gabe. Maaaring isigang ang karne ng baboy at baka, manok, isda’t hipon.
Nasa timplang asim at sa pampaasim ang katangian ng sinigang. Ang sinampalukang manok ay may murang dahon ng sampalok. Ginagamit din ang hilaw na bunga at ang bulaklak ng sampalok. Ginagamitan ng bunga ng kamyas o katas ng kalamansi’t dayap ang sinigang na isda’t hipon.
Paborito sa Pampanga at Bulacan ang sinigang sa bayabas. Pansigang sa Bisayas at Mindanao ang maasim na bunga ng batwan. Sa San Miguel, Bulacan ay ipinansisigang ang dahon ng alibangbang. May gumagamit din ng bunga ng sinigwelas.
Kung nagmamadalĂ®, may nabibili na ngayong nakapaketeng pampaasim sa sinigang. Ikinatutuwa din ito ng mga Filipino na nasa ibang bansa, lalo’t taglamig. Iba raw ang lasa ng tunay at sariwang pampaasim? Kung natatabangan, ang sagot ng matakaw, nariyan naman ang sawsawang patis.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sinigang "