Ang Bangus
Ang bangus o Chanos ay isda na nag-iisang miyembo ng pamilyang Chanidae.
Tinatawag itong sabalo kapag husto na sa gulang para makapagparami na karaniwan ay nasa
edad na limang taon at may habang 50-150 sentimetro.
Dinala ang bangus sa Pilipinas mula sa Indonesia o China mahigit-kumulang sa 300 taón na
ang nakalilipas.
Matatagpuan ito sa mga baybaying-dagat na mainit (higit sa 20 sentigrado) ang tubig,
malinaw at mababaw.
Inaalagaan din ang bangus sa mga palaisdaan at iba pang uri ng kural pang-isda.
Bihirang mahuli ang sabalo sa malalim na tubig dahil sa bilis at lakas nitóng lumangoy. Nahuhúli lang ito kapag dumadayo sa mga baybayin sa panahon ng pangingitlog.
Kilalang lugar ang isla ng Panay na dinadayo ng sabalo para mangitlog. Karaniwang matatagpuan
ang mga itlog sa parteng malapit sa baybayin na may lalim na 10-20 metro.
Pahaba ang katawan ng bangus, bahagyang impis at walang kaliskis sa tiyan bagaman natatakpan ng mga bilugan, maliliit at makinis na kaliskis ang mga palikpik.
Parang kumikinang na pilak ang katawan nitó lalo na kung bagong hango mula sa tubig. May hilatsa ng balát na tumatakip sa mga matá. Maliit ang bibig at walang ngipin ang bangus.
Nakakaya ng bangus ang masasamang kondisyon ng temperatura, alat, oxygen, ammonia, nitrite, pagsisikip, at gútom. Kayâ naman popular na inaaalagaan at pinalalago ang bangus sa iba’t ibang uri ng palaisdaan.
Sa Pilipinas, ang bangus ang pangunahing isda na inaalagaan at napakahalaga sa ekonomiya ng bansa.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Bangus "