Sino ang mga 13 martir ng bagumbayan?


Ang 13 Martir ng Bagumbayan ay pinatay ng mga Espanyol sa Bagumbayan (bahagi ng Rizal Park ngayon) noong 11 Enero 1897 sa kasagsagan ng Himagsikang Filipino.


Magkakaiba ang mga kalagayan nila sa buhay pero itinaguyod nilang lahat ang rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.


Sila ay sina


  1. Numeriano Adriano, abogado;
  2. Domingo Franco, mangangalakal at propagandista;
  3. Moises Salvador, propagandista;
  4. Francisco L. Roxas, industriyalista;
  5. Luis Enciso Villa-Real, industriyalista at lider-sibiko;
  6. Jose Dizon, Katipunero;
  7. Benedicto Nijaga, tenyente ng hukbong Espanyol at Katipunero;
  8. Geronimo Cristobal Medina, kabo sa hukbong Espanyol at Katipunero;
  9. Antonio Salazar, mangangalakal;
  10. Ramon A. Padilla, empleado at propagandista;
  11. Faustino Villaruel, negosyante at Mason;
  12. Braulio Rivera, Katipunero; at
  13. Eustacio MaƱalak.


Dinakip ang labintatlo pagkaraang sumiklab ang Himagsikan noong Agosto 1896. Marami sa kanila ay mga Mason at mga kasapi ng Katipunan at/o La Liga Filipina. Ikinulong sila, pinahirapan, at inusig ng mga Espanyol sa paratang na pagtataksil at sedisyon.


Matapos ang pakunwang paglilitis, hinatulan silang barilin sa Bagumbayan.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: