Sino ang mga 15 Martir ng Bikol?


Ang Labinlimang (15) Martir ng Bíkol (Quince Martires de Bicol) ang pinagsama at malaking alay ng rehiyon para sa Himagsikang Filipino.


Sa labinlima, labing-isa ang binaril sa Bagumbayan (bahagi ng Rizal Park ngayon) noong 4 Enero 1897.


Namatay ang apat pa habang nakabilanggo sa Filipinas o destiyero sa isla ng Fernando Po malapit sa Kanlurang Afrika.


Ang labinlima ay sina


  1. Padre Gabriel Prieto,
  2. Padre Severino Diaz,
  3. Padre Inocencio Herrera,
  4. Manuel Abella,
  5. Domingo Abella,
  6. Ramon Abella,
  7. Camilo Jacob,
  8. Tomas Prieto,
  9. Florencio Lerma,
  10. Macario Valentin,
  11. Cornelio Mercado,
  12. Mariano Melgarejo,
  13. Leon Hernandez,
  14. Mariano Araña, at
  15. Mariano Ordenanza.


May edad 60 ang pinakamatanda sa pangkat (Manuel Abella), samantalang edad 25 naman ang pinakabatà (Domingo Abella).


Sa pagsiklab ng Himagsikang 1896, lihim na nagpulong ang mga Bikolano upang itaguyod ang Katipunan. Naghigpit sa pamamalakad ang mga Espanyol na nakatalaga sa Bicol.


Kasama sa napaghinalaang tumutulong sa Katipunan ang labinlimang Bikolano, na halos lahat ay mga Mason. Dinakip ang mga ito at pinarusahan. Isang bantayog para sa labinlima ang itinayô sa plasa ng Lungsod Naga noong 1923.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr

Mungkahing Basahin: