camilo jacob
Camilo Jacob


Si Camilo Jacob ay isa sa Quince Martires ng Bicol (15 Martir ng Bikol). Siya ay isinilang sa Polangui, Albay, sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo.


Naging kasapi siya ng Triangulo, Bikol, isang masoneriya sa Camarines na naghangad na mapabuti ang kalagayan ng bayan. Siya ay dinakip at nilitis ng Korte Militar dahil sa bintang na rebelyon noong Disyembre 29, 1896.


Siya ay binaril sa Bagumbayan kasama ang iba pang mga Bikolanong nahatulang rebelde ng mga Espanyol noong Enero 4, 1897.


Mungkahing Basahin: