Magdalena Gamayo
Labing-anim na taong gulang si Madalena nang magsimulang mag-aral maghabi sa tulong ng kaniyang tiya. Hindi siya pormal na nag-aral ng naturang tradisyonal na sining. Sa halip, nagmasid-masid lamang siya sa paggawa ng tiya at saka paggaya sa mga padron ng habi nito.
Ibinili siya ng kaniyang ama ng abel na gawa sa matigas na saggat noong 19 taong gulang siya, at ito ang kaniyang naging habihan sa loob ng 30 taon.
Naging dalubhasa si Magdalena sa mga tradisyonal na padron ng binakol, inuritan, at kusikos. Ngunit higit siyang kahanga-hanga sa padron ng inuban nga sabong. Hinangaan ang kaniyang mga inabel dahil sa maselang mga padron at makinis na habi.
Ngayon at sa gulang na 88 taon, may dalawa siyang estudyante, ang manugang ng kaniyang pinsan at ang kaniyang sariling manugang na babae.
Itinuro muna niya sa dalawa ang payak na binakol. Pagkatapos humusay sa naturang padron ay ipinagawa niya ang ibang mga disenyo. Nitong 8 Nobyembre 2012, sa isang seremonya sa Malacañang ay ibinigay kay Magdalena ang Gawad Manlilikha ng Bayan. Inaasahang darami pa ang kaniyang magagabayan habang nabubuhay.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Magdalena Gamayo "