Alonzo Saclag: Gawad Manlilikha ng Bayan
Hindi pormal na nakapag-aral si Saclag sa mga instrumentong musikal gayundin sa mga sayaw na kaakibat ng kanilang mga ritwal. Sa kabila nito, sa pamamagitan ng matamang pagmamasid at karanasan, at higit sa lahat, ng ibayong pagnanais na matutuhan ang mga sining na ito, nagawa niyang maging dalubhasa dito.
Patuloy niyang pinagsumikapang maisalin ang lahat ng kaniyang mga kaalaman. Binuo niya ang Kalinga Budong Dance Troupe, ang pangkat ng kabataang lalaki at babae na nag-aaral ng sayaw at musika ng kanilang mga ninuno. Bahagi ng kanilang mga aktibidad ang pagtatanghal sa iba’t ibang lugar upang itaguyod ang kanilang kultura.
Nagtatanghal din siya maiikling dula at iba pang malikhaing presentasyon sa mga paaralan upang maparangalan at maipagdiwang ang halagahan ng mga Kalinga. Nangampanya siya at pinahintulutan ng mga administrador ng mga eskuwelahang pagsuotin ng tradisyonal na kasuotang Kalinga ang mga bata sa mahahalagang pagdiriwang tulad ng gradweysiyon at Unang Komunyon.
Bahagi ng kaniyang plano ang maglaan ng isang lugar na mapagtatanghalan ng kagalingan at kasiningan ng mga Kalinga. Sinimulan na niya ito sa pamamagitan ng pagbili ng lupa at pagpapatanim ng mga puno bilang paghahanda.
Kapiling ni Saclag sa pagpapalaganap at patuloy na pag-iral ng kulturang Kalinga ang kaniyang kabiyak na si Rebecca at ang siyam nilang anak.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Alonzo Saclag: Gawad Manlilikha ng Bayan "