Sino si Macli-ing Dulag?


Si Macli-ing Dulag (Mak·li-ing DĂș·lag) ay isang pinuno ng tribung Butbut ng mga Kalinga na pinaslang ng mga sundalo noong panahon ng diktadurang Marcos.


Isa siya sa mga kinikilalang bayani ng rehiyong Cordillera.


Si Macli-ing ay iginagalang na pangat, o pinuno ng tribu, na ipinagtatanggol ang karapatan ng kaniyang mga kababayan at kanilang pagmamay-ari ng lupa laban sa Chico River Basin Hydroelectric Dam Project ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.


Noong 24 Abril 1980, ilang sundalo ng Philippine Army ang nagpaulan ng bala sa dalawang bahay sa Bugnay, Tinglayan, Kalinga. Namatay si Dulag samantalang nakaligtas si Pedro Dungoc, isa pang lider laban sa Chico Dam.


Idinadaos taon-taon ang Araw ng Cordillera bilang paggunita sa pagkamartir ni Macli-ing at sa kaniyang mga ipinaglalaban.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr