Sino si Ginaw Bilog?
Ang ambahan ang tula ng mga Hanunuo Mangyan na binubuo ng pipituhing pantig, at nagtataglay ng mga imahen at metapora. Kabilang sa mga paksa nito ang panliligaw, pagbibigay ng payo sa kabataan, pagtatanong ng matutuluyan, pamamaalam ng isang kaibigan, at iba pa.
Ang mga tulang ito ay inuukit sa kawayan.
Surat Mangyan naman ang tawag sa paraan ng pagsulat ng ambahan na gumagamit ng sinauna at timog-silanganing iskrip. Pinaniniwalaang isa ito sa mga impluwensiya ng India.
Ayon kay Ginaw Bilog, ang ambahan ang susi upang makilala ang kaakuhan ng mga Mangyan. Dahil dito, itinago niya ang mga naitalang halimbawa ng mga ambahan, hindi lamang ang mga nakaukit sa kawayan kundi pati na rin ang mga nakasulat sa mga naninilaw na pahina ng kuwadernong ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan.
Pinakaiingat-ingatan niya sa koleksiyong ito ang mga minana pa niya sa kaniyang ama at lolo, ang mga itinuturing niyang batis ng inspirasyon at patnubay para sa kaniyang malikhaing pagpupunyagi. Bukod dito, masugid rin niyang ibinabahagi ang mga tula, lalong-lalo na sa mga kapuwa Mangyan, sa lahat ng pagkakataon.
Pumanaw si Ginaw Bilog noong taong 2003.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Pinagmulan ng larawan: @panahontv
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sino si Ginaw Bilog? "