On
Ang gisa ay paraan ng pagluluto ng karne, isda, o gulay sa kaunting mantika, sibuyas, at bawang.


Nanggaling ito sa salitang Espanyol na guisar, at ang mga pagkaing niluto sa ganitong paraan ay tinatawag na ”ginisa” o ”gisado.” Tinatawag itong stir fry sa Ingles.


Napakaraming uri ng pagkaing puwedeng igisa. Mabilis ito, madaling gawin, at nagbibigay kaagad ng kakaibang sarap sa nilulutong pagkain.


Isa rito ang sinangag (o sangag), na tumutukoy sa bahaw na kanin na iginisa at karaniwang inihahain sa almusal. Sinasabing lagpas sa kalahati ng mga putaheng Filipino ang ginagamitan ng gisa, mula sa mga bunga ng halaman tulad ng tokwa at ampalaya, hanggang sa maraming sahog tulad ng apritada, menudo, at pinakbet.


Sa mga mas komplikadong putahe, ang paggisa ang isa sa mga unang hakbang sa pagluluto.


Sa kulturang Filipino, laging nagagamit, lalo sa midya, ang salitang ”gisá” sa konteksto ng masusing paglitis. Hindi dayuhan sa atin ang pariralang ”ginisa sa sariling mantika” na tumutukoy sa biktima ng pagsasamantala ng ibang tao.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: