Bunong-Braso
Pumuwesto sa magkabilang gilid ng isang mesa ang magkalaban, itinutukod ang siko ng isang bisig sa ibabaw ng mesa, kapuwa ang kanan, bagaman maaari ding kapuwa ang kaliwa at saka mahigpit na pagdadaupin ang mga palad.
Sa hudyat ng reperi, sisikapin ng magkatunggali na ibuwal nang ganap ang bisig ng kalaban. Sa payak na tuntunin ng bunong-braso, ang unang makapagbuwal ng bisig ay panalo. Bagaman maaaring gawin ito nang tatlong ulit at panalo ang makapagbuwal ng bisig nang dalawang ulit.
Sa ibang pagkakataon, pinagkukrus o pinag-eekis ang mga bisig ng magkatunggali. Tulad sa una, sinisikap ibuwal ng magkatunggali ang bisig ng kalaban.
May nagsasabing ang sumpíng ay dapat ituring na baryasyon ng bunongbraso.
Sa sumpíng ay pinagkakawing naman ang mga hinlalato (middle finger sa Ingles) ng magkatunggali.
Sa unang round, isa sa magkatunggali ang nakapailalim ang hinlalato. Sa hudyat ng reperi, sinisikap ibaligtad ng nakapailalim ang sitwasyon. Panalo siya kapag naipaibabaw ang sariling hinlalato. Sa ikalawang round, ang kabila naman ang nakapailalim at magsisikap itong ibaligtad ang sitwasyon. Tabla kung kapuwa nagtagumpay ang magkatunggali na ibaligtad ang hinlalato ng kalaban.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin
No Comment to " Bunong-Braso "