Bundok Natib
Ang Natib at ang karatig na Bundok Mariveles ay kabilang sa Bulubunduking Zambales at sumasakop ng 80 porsiyento ng lupain ng Bataan. May taas itong 1,253 metro.
Wala pang naitatalang pagsabog ng Natib sa kasaysayan, at tinatayang huli itong sumabog ilang libong taon na ang nakararaan. Aktibo pa rin naman ang ilalim ng lupa sa Natib na sumisingaw sa maiinit na bukal (hot springs) ng Asin, Mamot, Paipit, Tigulangin, at Uyong.
Ang bundok at kaligiran ay protektado ng batas at sakop ng Pambansang Parke ng Bataan. Popular ang Natib sa mga mountaineer, ngunit minsan ay isinasara ito sa publiko dahil sa mga operasyong militar.
Handog ng tuktok nito ang magagandang tanawin ng Bundok Samat at Bundok Mariveles, Dagat Kanlurang Filipinas (Dagat Timog Tsina), kanayunan ng Bataan, at kahit ang Subic Bay Freeport Zone. Matatagpuan din sa Natib ang Talon ng Pasukulan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bundok Natib "