Ang Bundok Musuan, na tinatawag din bilang Tuktok ng Musuan at Bulkang Calayo (na nangangahulugang ”Bundok ng Apoy”), ay isang aktibong bulkan na matatagpuan malapit sa Lungsod Valencia sa lalawigan ng Bukidnon, hilagang Mindanao. May taas itong 646 metro. Hulí itong sumabog noong ika-19 siglo.


Dahil na rin sa liit nito at kawalan ng nakikitang bunganga, maaaring mapagkamalan ang bulkan bilang isang burol lamang.


Matatagpuan sa hilaga nito ang Lungsod Valencia; sa silangan, ang Ilog Pulangi; at sa timogkanluran, ang Central Mindanao University, na siyang tagapangalaga ng Mt. Musuan Zoological and Botanical Garden sa paanan ng bundok.


Dahil na rin sa lapit nito sa pamantasan at Valencia, popular ang bundok bilang pook pasyalan ng mga mag-aaral, mamamayan, at turista. Matatanaw mula sa tuktok ang kanayunan at ang Bundok Kitanglad sa di-kalayuan.


Nananatili pa ring kagubatan ang hilagang dalisdis ng Musuan, samantalang ang ibang bahagi ay nakukumutan ng kugon. Nitong mga huling taon, nagkaroon ng muling-pagtatanim ng mga puno upang ibalik sa dating sigla ang ekosistema ng bundok at kaligiran nito.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: