Bud Dajo
Kung mas gagawing espesipiko, ito ay isang cinder cone, isang uri ng maliit na bulkang nabuo mula sa ikinalat ng sumabog nang ibang bulkan sa paligid. Ilan sa mga bulkan na nakapalibot sa Bud Dajo ay ang Matanding, Guimba, at Sungal.
Ang kabuuan ng mga bundok at kapatagang ito ay ginawang Mount Dajo National Park noong 1938. Sa wikang Tausug, ang ibig sabihin ng Bud ay bundok samantalang ang Dajo naman ay isang uri ng punongkahoy na karaniwan sa lugar. May taas na higit sa 600 metro, ang Bud Dajo ay hulĂng sumabog noong 1897.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Bud Dajo ay hindi lamang bulkang natulog sa pagdaan ng panahon. Kuta ito ng mga rebeldeng Moro sa panahon ng pananakop ng Estados Unidos. Bagama’t naging tahimik, umigting ang galit ng mga rebelde sa Amerikano nang nagsimula na ang pagpasok ng hukbo ni Heneral Leonard Wood sa lugar.
Noong Marso 1906, nangyari dito ang unang labanan sa Bud Dajo. Ipinadala ni Wood si Koronel Duncan sa bundok kasama ang tatlong datu upang pakiusapan ang mga rebeldeng bumalik na sa kani-kaniyang bayan. Hindi ito tinanggap ng mga nasa bundok at sinimulan ng hukbong Amerikano ang paglusob.
Mula Marso 5 hanggang 7, nilabanan ng mga Muslim ang superyor na armas ng mga Amerikano sa pamamagitan ng mahihinang granada, sibat, at kris. Nasa pagitan ng 700 hanggang 850 Tausug ang namatay sa nasabing labanan, at kasama rito ang maraming babae at mga batang kamag-anak ng mga rebelde. Ang madugong engkuwentrong ito ay tinawag ding Moro Crater Massacre, isa sa mga pinakamalaking trahedya sa kasaysayan ng rebelyon.
Muling nagkaroon ng labanan sa Bud Dajo noong Disyemre 1911 sa loob ng isang linggo sa nakakatulad ding dahilan, rebeldeng Muslim laban sa mga Amerikano. Hindi katulad ng naunang trahedya, mas kaunti ang namatay sa ikalawang labanan sa Bud Dajo at maraming rebelde ang bumaba sa kapatagan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bud Dajo "