Bud Bagsak
Nagkuta ang mga nag-alsang Moro sa ituktok ng Bundok Bagsak na siyang pinagmulan ng pangalan ng makasaysayang pangyayaring ito. Noon pang panahon ng mga Espanyol, namumundok na ang ayaw pasakop at tinawag ng mga mananakop na remontado. Nagpatuloy ito hanggang sa pananakop ng mga Amerikano at binansagan silang bandido.
Pinamunuan ni Heneral John “Black Jack” Pershing ang pangkat ng mga Amerikanong umatake sa mga Moro. Nagsimula ito sa pagpapasabog ng maliliit na kutang nakapalibot sa pangunahing kuta sa Bagsak.
Armado naman ng kris, bolo, sibat, at ilang baril ang mga Morong pinamunuan naman ni Datu Amil, na nagmula sa tribung Lati. Nauna silang pumunta sa bundok nang pumasok sa distrito ng Lati ang hukbong Amerikano at nabigo ang mga diyalogong pangkapayapaan. Umaabot umano sa anim na libong katutubo ang nanirahan sa bundok kasama ang mga bata at kababaihan, at maraming iba pang hindi armado.
Pagkatapos ng apat na araw na labanan, nasa 500 Moro ang napaslang, samantalang 27 naman ang namatay sa panig ng mga Amerikano.
Umani ng matinding batikos ang pangyayari at itinuring ng ilang historyador bilang masaker sa halip na isang labanan. Sa bandáng hulí, naimpluwensiyahan ng pangyayari sa Bud Bagsak ang pagtigil ng ilang pakikipaglaban ng mga Moro noong panahon ng kolonyalismong Amerikano. Gayunman, kinikilála pa rin ang Labanan sa Bud Bagsák bilang tanda ng kagitingan at tapang ng mga Moro, at ng kanilang mahalagang papel sa pagpapalaya ng bayan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bud Bagsak "