Bundok Apo
May taas itong 2,954 metro (9,690 talampakan).
Bagaman isa ring bulkan, wala pang naitatalang pagputok nĂto. Ang Bundok Apo ay patag sa ibabaw, na may tatlong taluktok.
Sa bahaging timog, sa ibaba ng bunganga ay may uka o vent na nilalabasan ng singaw na asupre. Tinatawag din itong Sandawa (Bundok ng Asupre) ng mga taong naninirahan sa paanan nito.
May anim na katutubong pangkating nagtuturing sa Bundok Apo bilang sagradong lupain:
ang mga
- Manobo,
- Bagobo,
- Ubos,
- Atas,
- Kalagan, at
- Tagakaola.
Sa lugar na ito nila sinasamba si Apo Sandawa na kinikilala nilang dakilang ninunong ama o apo at pinagmulan ng pangalan ng bundok.
Ang bunganga ng bundok na may 500 metrong lawak ay nagsisilbing isang malaking lawa, ang Lawang Venado, na pinagkukunan ng enerhiyang heotermal.
Ang Mindanao Geothermal Production Field, na nasa barangay Ilomavis sa Lungsod Kidapawan, North Cotabato, ang pinagmumulan ng koryenteng ginagamit sa Kidapawan at mga karatig lalawigan.
Noong 1936, idineklara ang Mt. Apo National Park na may 80,864 ektarya sa paligid ng bundok, upang mapangalagaan ang maraming di-pangkaraniwang hayop at halamang matatagpuan dito.
Makikita rin dito ang pinakamalaking agila sa mundo,ang banoy o Philippine Eagle, ang pambansang ibon ng Pilipinas.
May 270 uri ng mga ibon na naninirahan sa kagubatan ng bundok at 100 sa mga ito ay tanging sa bansa lamang matatagpuan.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bundok Apo "