Barong
May haba itong umaabot sa walo hanggang 22 pulgada, mabigat, at may kakayahang ihiwang tulad ng espada. Ang puluhan nito ay karaniwang yari sa garing, sungay ng kalabaw o kamagong at nababalot ng mga singsing ng pinakintab na mga himaymay ng yantok o baging. May bitling o ferrule itong metal, karaniwang tanso, at naiigot din ng yantok o baging.
Ang dulo ng puluhan ay malimit na anyong nakatikwas na ulo ng ibon o naga (dragon). Ang pahiyas na ulo sa dulo ng puluhan (tinatawag na junggayan) ay higit na mataas o mahaba sa barong ng maharlika.
Ang barong ng nakababang uri, lalo na iyong ginagamit bilang sandata sa labanan, ay mas maikli at magaan. Ganito diumano ang ginagamit ng huramentado sa Parang Sabil.
Ang kaluban ng barong ay dalawang piraso ng kahoy na pinagtaklob at kahubog ng patalim. Binabalot din ito ng nakatirintas na yantok o baging at nilalagyan ng dekorasyon. Ang dulo ng kaluban sa kabila ng puluhan ay dramatikong nakahubog patikwas, sa anggulong halos 90 digri, at may sapad na ulo. May mga kalubang nabudburan ng nakatimong nakar sa mga hilerang heometriko.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Barong "