Ang yantok ay isang uri ng halaman na may sukat mula 250 hanggang 650 metro ang haba ng katawan.


Karaniwang makikita ang halamang ito sa Aprika, India, at Timog silangang Asia. Ang yantok ay may mga amlay o tendril sa dulo ng mga dahon upang manguyapit at umakyat sa ibang puno. Ginagawang kasangkapan sa bahay ang yantok.


Ang yantok ay tinatawag ding uway o ratan (rattan) na ginagamit sa paggawa ng sandalan ng upuan, duyan, at sisidlan. Dahil sa tibay, ginagamit ito sa paggawa ng tungkod.


Ang bunga ng yantok ay naglalabas ng mapulang dagta o resin na tinatawag na dugo ng dragon (dragon’s blood). Pinaniniwalaang may medisinang katangian ang dagtang ito. Ginagamit din ang resin para ipangkulay ng biyolin.


Ang yantok ay isang palma, ngunit kakaiba ito sa maraming palma dahil may payat itong katawan, 2–5 sentimetro ang diyametro na may mahahabang biyas sa pagitan ng mga dahon.


Hindi punongkahoy ang yantok, ito ay isang halamang parang baging. Kahawig ito ng kawayan sa unang tingin, ngunit kakaiba sa kawayan, ang katawan nito ay buo (solid) at hindi hungkag at ang maraming uri ay nangangailangan ng tulong at suporta upang makatayô. Hindi nito káyang tumayo nang mag-isa. Ngunit ang ibang genera (hal. Metroxylon, Pigafetta, at Raphia) ay katulad ng karaniwang palma, may matatag at tuwid na puno.


May banta ng panganib ang labis na paggamit sa yantok. May nag-aani o kumukuha ng yantok na pumuputol ng napakabatang katawan o sanga. Ang pagpoproseso ay pinaniniwalaang nakapagpaparumi rin ng kapaligiran.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: