Biyolin
Gawa sa iba’t ibang uri ng kahoy ang katawan ng biyolin, tulad ng drupe at maple. Mula naman sa pinagsasama-samang pinatuyong bituka ng hayop ang mga bagting, na madalas ay may halong pilak o aluminyo, bakal, o perlon. Ang arko naman ay gawa sa pakurbang kahoy na may nakatali sa magkabilang dulo na mga buhok mula sa kabayo.
Lumitaw ang biyolin sa Italya noong mga 1500. Pinaniniwalaang nagmula ito sa dalawang midyibal na instrumentong viele o fiedel at rebec (na pawang ginagamitan ng arko sa pagtugtog) at sa lira da braccio, isang instrumentong kahawig ng biyolin na lumitaw sa panahon ng Renasimyento.
Dahil sa paggamit sa biyolin sa mga opera noong mga 1600, naging tanyag ito at naging isang pangunahing instrumento sa orkestra. Bago ang siglong ito, mababa ang estado ng biyolin dahil ginagamit lamang ito upang saliwan o sabayan ang isang sayaw o awit.
Dalawa sa mga kilalang biyolinista sa Pilipinas ay sina Patricio Mariano, na bantog din bilang mandudula, manunulat at rebolusyonaryo, at at Oscar Yatco, na isang konduktor at propesor ng musika.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Biyolin "