Bagong taon
Wika nga, “Bagong taon, bagong buhay.” Ito ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Enero ngunit bisperas pa lamang o Disyembre 31 ay makulay, masaya, at maingay na ang paghihintay sa hatinggabi at paglipat ng taon.
Ang totoo, ipinagdiriwang ito sa halos buong mundo, bagaman kung Pebrero ang Bagong Taong Tsino batay sa kanilang kalendaryo. Sa Filipinas, itinuturing itong ikalawang Pasko at nagtitipon ang bawat pamilya para sa isang salusalo.
Ang pagdiriwang ng Bagong Taon ay mayroong pinagsamang kulturang Espanyol at Tsino. Ang pagkain kung hatinggabi, ang Media Noche (Méd·ya Nó·tse), ay Espanyol.
Ang paggastos sa makukulay at malalakas na paputok ay Tsino. Sa gabi ng bisperas ng Bagong Taon, ang buong pamilya ay pagsisimba bilang pasasalamat sa biyaya ng nakaraang taon.
Pagkatapos, bago sumapit ang alas-dose, ang pamilya ay nagsasalo sa Media Noche. Sinisindihan ang mga rebentador at kuwitis bilang makulay na pagsalubong sa bagong taon.
Maraming pamahiin ang mga Filipino sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Isa ang pagkompleto sa labindalawang prutas sa hapag-kainan bilang simbolo ng labindalawang masaganang buwan sa buong taón. Isa pa ang pagsusuot ng damit na may disenyong bilóg para sa suwerte.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bagong taon "