Ligligan Parul
Isa ang pista sa mga dahilan kung bakit binansagan ang lungsod bilang ”Christmas Capital” ng Pilipinas.
Idinadaos ang pagdiriwang tuwing ikalawang Sabado ng Disyembre. Nitong mga nakaraang taon, umaabot sa sampung malalaking parol mula sa iba’t ibang barangay ang naglalaban-laban sa isang timpalak.
Sumasayaw ang makukulay na ilaw ng mga parol sa himig ng mga kanta at sa saliw ng isang bandá. Sa kasalukuyan, umaabot ng 20 talampakan ang mga parol at gumagamit ng hanggang 5,000 lightbulb.
Sinasabing nagsimula ang pista noong 1928 upang parangalan si Pangulong Manuel L. Quezon, bilang pasasalamat sa kaniyang pagpapaganda ng Bundok Arayat bilang pasyalan at bakasyunan.
Si Quezon mismo ang nagbigay ng papremyong salapi sa nagwagi. Ngunit sinasabi ding umuugat ang kasiyahan noon pang 1904-1908, sa isang relihiyosong pista na nagpaparada sa maliliit na parol.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ligligan Parul "