Ang polio ay hindi nagagamot
On Kalusugan
Ayon sa Department of Health (DOH), ang polio ay hindi nagagamot.
Isa ang polio sa mga sakit na maaaring maiwasan kapag may bakuna. Kaya’t hinihikayat ng DOH ang lahat na pabakunahan ang inyong mga anak para maging protektado sa mga sakit tulad ng polio.
Bakuna lamang ang pinakamabisang paraan para maging protektado laban sa polio.
Ang bakuna kontra polio ay ligtas at epektibo.
Pabakunahan ang inyong mga anak na wala pang limang (5) taong gulang laban sa polio.
Pinagmulan: @DOHgov (Official Twitter Account ng DOH)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang polio ay hindi nagagamot "