Simbolikong tawag sa karaniwang Filipino ang Juan de la Cruz. Ang pangalan ay ibininyag ni Robert McCulloch Dick, isang peryodistang Scottish na noon ay reporter sa Manila Times. Napili niya ang pangalang ito dahil ito ang pinakakaraniwang nakikita sa mga police blotter.


Sinasabi rin na maraming mangmang noong panahon ng Espanyol ang gumuguhit lamang ngsimbolong + (krus) bilang lagda sa mga dokumento kaya isang karaniwang apelyido ang “Cruz” o “de la Cruz” sa buong bansa.


Ang Juan ay karaniwang unang pangalan ng mga Kristiyanong Filipino.


Lumabas ang unang larawang-guhit niya sa unang isyu ng Philippine Free Press noong Agosto 29, 1908. Ang kartun ay likha ni Jorge Pineda.


Bilang personipikasyon ng Filipino, ang karikatun ni Juan de la Cruz ay karaniwang maliit kaysa dayuhan, lalo’t puti, nakasuot ng salakot, damit pang-itaas na kamisa tsino (kung minsa’y barong tagalog), pantalong maikli, at bakya o tsinelas.


Ngayon, kinatawan ng taguring Juan de la Cruz pati ang kaisipan o takbo ng isip ng karaniwang tao.


Pinagmulan: Kermit Agbas


Mungkahing Basahin: