Nicolas dela Cruz Bagay
Ipinalalagay na edukado siya at nag-aral ng grabado sa ilalim ng mga misyonerong Espanyol.
Una siyang umani ng papuri bilang grabador ng Mapa de Filipinas (1734) ni Pedro Murillo Velarde, ang unang detalyadong mapa ng bansa. Lumitaw ang pangalan niya bilang grabador sa edisyong 1744 ng aklat.
May iba pang trabaho siyang lumabas bago mag-1744. Kabilang dito ang La navegacion especulativa y practica ni Conzalo Cabrera Bueno.
Noong 1735, ang kaniyang iniukit na retrato ni San Jose ay ipinaloob ni Jose Cortes de Arrendondo y Oriosolo sa kaniyang El Nuevo predicador de la rey de gracia de San Andres Apostol.
Pinangasiwaan din niya ang Mapa general de las almas que administrant los Padres Agustinos Calzados en estas Filipinas ng mga Rekoleto at patuloy na inilimbag noong 1836.
Walang dudang matagal na siyang naglilingkod sa limbagan bago naging bantog na grabador. Nabanggit ang kaniyang pangalan sa mga limbag na bokabularyo.
Isinagawa niya ang iniukit na retrato ni San Francisco Javier; ang retrato ni Fernando V na nakasakay sa kabayo at nalathala sa Conclusiones Matematicas ni Fernando Araya noong 1758; ang selyo ng Markes de obando, ginintuan, at inilakip sa tratadong Matematicas de Astronomia ni Jose Sousa y Magalhaes at inilimbag noong 1762; ang retrato ni Fernando VI na nakasakay sa kabayo at may dalawang globo, simbolo ng kaniyang kapangyarihan sa silangan at kanlurang bahagi ng mundo, sa Relacion de las expresivas demostraciones.
Noong 1771 ay lumaganap ang mga imprenta, at mula noo’y hindi na lumitaw ang pangalan ni Nicolas dela Cruz Bagay.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Nicolas dela Cruz Bagay "