Ikmo
Tinatawag din itong buyo sa maraming bahagi ng Filipinas, buyok ng mga Sebwano, dálit ng mga Waray, gawed ng mga Iloko, lawer ng mga Pangasinan, samat ng mga Kapampangan, mamaan ng mga Mëranaw, at itmo naman para sa mga sinaunang Tagalog.
May mga pag-aaral na nagsasabing nakagagaling ang dahon ng ikmo laban sa pagtatae o anumang pananakit ng tiyan. Gayunman, may mga pagaaral din na nagsasabing ang malabis na pagnguya ng ikmo ay maaaring mauwi sa kanser at iba pang sakit lalo pa sa bahaging bibig.
Maaari ring magdulot ng adiksiyon ang labis na paggamit dito kasama ng nganga. May mga arkeolohikong patunay na matagal na umanong ginagamit ang ikmo kasama ng nganga sa malaking bahagi ng Asia.
Sa mga epikong-bayan sa Filipinas, karaniwang binabanggit ang paggamit ng ikmo kasama ng nganga ng mga bayani bilang bahagi ng ritwal bago ang pagsuong nila sa digmaan. isla ang kinikilalang pinakamatandang telang matatagpuan sa Timog Silangang Asia at ngayo’y nása pangangalaga ng Pambansang Museo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ikmo "