Bandera Espanyola
On Pamumuhay
Ang bandera espanyola (Canna indica) ay halamang namumulaklak sa pamilyang Cannacaea na may 20 species sa Gitna at Timog Amerika.
Ang pangalan ng pamilya ay mula sa Griyego para sa halamang kauri ng kawayan. Dahil maaari itong mabuhay nang nakalubog sa kahit anim na pulgadang tubigan ay tila ito halamang akwatiko.
Nangangailangan lamang ito ng anim na oras na liwanag ng araw para tumubo sa kahit anong uri ng lupa. Namumulaklak ito bago makaisang taon ng pag-aalaga.
Inaalagaan ito sa Filipinas dahil sa malaki’t makulay na bulaklak. Ngunit may uri itong tinatawag na Indian canna at may mga buto na ginagamit na parang punglo.
Ang ugat nito ay inaani para sa arina, na sa Tsina ay ginagawang sotanghon. Sa India, ang mga buto ay pinakukuluan para lumikha ng alkohol. Sa ibang lugar, ang mga buto ay ginagawang alahas.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bandera Espanyola "