Ang Iglesia ni Cristo o INC ang pinakamalaking relihiyosong organisasyong nagsimula sa Pilipinas. Binuo ito ni Felix Manalo noong 27 Hulyo 1914. Itinuturing ng mga kasapi ng organisasyong ito na sila ang tunay na simbahang itinatag ni Hesukristo. Hindi sila naniniwala sa Santisimo Trinidad, isang Diyos sa tatlong persona, ng mga Katoliko at sa pagiging Diyos ni Hesus at ng Espirito Santo.


Sinasabing si Felix Manalo ay nagpalipat-lipat muna sa iba’t ibang relihiyon noong bata pa siya upang malaman niya ang katotohanan. Dahil sa paglipat-lipat niya ng relihiyon, nakita niya ang kakulangan ng bawat isa. Sinamahan din niya ang mga ateista at agnostiko ngunit hindi pa rin ito sapat upang punan ang mga pangangailangan niyang espiritwal.


Hanggang dumating sa panahon na nagkulong siya ng tatlong araw sa isang silid dala ang bibliya. nang lumabas siya ay baon na niya ang mga turo ng Iglesia ni Cristo. Bilang punong ministro, itinayo ni Felix Manalo ang Iglesia ni Cristo sa Santa Ana, Maynila.


Ang simbahan ng Iglesia ni Cristo ay kilala dahil sa kakaiba nitong disenyo. batay ito sa modernong gotiko at patusok ang bubong at tore ng mga kapilya at gusali. Sumasamba ang mga kasapi dalawang beses isang linggo. Pinaniniwalaan din na nasa pagitan ng tatlo hanggang  sampung milyong tao na ang kasapi ng Igesia ni Cristo.


Pinagmulan: Kermit Agbas


Mungkahing Basahin: