Bibliya
Nakapaloob dito ang Salita ng Diyos at ang Mabuting Balita na binabasa sa pagdiriwang ng Banal na Misa.
Sa Katolisismo, binubuo ito ng dalawang bahagi, ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan, na may 73 aklat. Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng mga salaysay hinggil sa paglikha ng santinakpan at ukol sa pagkahirang ng Diyos na si Yahweh sa bayang Israel bilang pinilìng pangkat ng mga tao.
Ang Bagong Tipan naman ay naglalaman ng mga salaysay ukol sa buhay at pangaral ni Hesus, na anak ng Diyos at isinugo sa lupa upang tubusin ang tao sa kasalanan, lalo na yaong alinsunod sa kaniyang mga apostol at unang ebanghelista.
Ang salitang “bibliya” ay nagmula sa Griyego na ang ibig sabihin ay “maliit na aklat.”
Si Moises ang nagpasimula ng pagsulat ng Bibliya noong 1513 B.C.E. Si Juan naman ang hulíng nagbahagi ng kaniyang aklat. Inabot nang halos 1,610 taon bago napagsama-sama ang mga aklat na bumubuo sa Bibliya sa kasalukuyan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bibliya "