Belen
Sinasabing si Francis ng Assisi ang unang lumikha ng buhay na belen noong ika-13 siglo sa Italya upang palaganapin ang pagsamba kay Kristo. Binigyan ni Pope Honorius III ng basbas ang naturang pagtatanghal. Naging popular ang eksena at ginaya ang naturang pantomime sa iba’t ibang komunidad.
Tuwing Pasko sa Pilipinas, makikita ang mga belen sa bahay, simbahan, eskuwelahan, at opisina.
May mga belen na yari sa ginupit na kardbord at may mga belen na yari sa pigurin. May mga belen na payak ang pagkakagawa, mayroon din namang magagarbo at sinlaki ng tao ang mga pigura.
Ang Tarlac ang itinuturing na Kapitolyo ng Belen sa Pilipinas. Nagdaraos ito ng “Belenismo sa Tarlac,” isang taunang patimpalak sa paggawa ng belen. Malalaki at magagarbong belen na may iba’t ibang tema ang makikita sa Tarlac sa buong panahon ng patimpalak.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Belen "