Entitled ba ang newly hired employee sa Christmas bonus?

Tanong: Entitled ba ang newly hired employee sa Christmas bonus?


Sagot: Depende. Kung nakatakda sa company policy o iyong kontrata na may Christmas bonus ang mga bagong employees, dapat kang tumanggap nito.


Tandaan, management prerogative ang Christmas bonus, gaya ng ibang mga bonuses. Ibig sabihin, pabuya lamang ito ng employer na hindi maaaring ipilit ng empleyado, maliban na lamang kung naipangako na ito at napagkasunduan.


Pero kung tinutukoy mo ang

13th month pay na dapat bayaran bago mag December 25, entitled ka kung mahigit isang buwan ka nang nagtatrabaho.


Halimbawa, kung tatlong buwan ka pa lang sa trabaho, ang 13th month pay mo ay ang sahod mo para sa tatlong buwan divided by 12 months.


Kung Php 11,000 ang sahod mo kada buwan, Php 33,000 ang sahod mo sa tatlong buwan at ang 13th month pay mo ay Php 33,000 divided by 12 o Php 2750.


Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)


Mungkahing Basahin: