Habing Piña

Habing Piña | @nayongpilipino.museo


Tagalog/Bisaya (Timog Luzon at Visayas)


Ang habing piña ang isa sa mga pinaka-kilalang habi o tela sa Pilipinas. Mula ito sa hibla ng matatandang dahon ng halamang pinya. Pinakilala sa Pilipinas ng mga mananakop na Español ang halamang ito, na mula naman sa Timog Amerika. Ang mga “bordadoras”, o mga mananahi, ay ang naglalagay ng disenyo sa mga habing piña. Ang pagboborda ay isang kasanayan na kadalasang itinuro sa mga kababaihan. Masalimuot at mahirap ang pagboborda sa piña kaya may kamahalan ang halaga at kadalasang ginagamit lamang ng mga may-kaya.


Mayroong dalawang kilalang disenyo ang habing piña. Una ay ang “calado”, o ang pagkakaroon ng pantay na habi na maaaring lagyan ng borda. Ang ikalawa naman ay ang “sombrada”, kung saan ang maliit na tela ng piña ay itinatahahi sa mas malaking tela upang bumuo ng hugis at disenyo. Ilan sa kadalasang disenyo at bordang piña ay dahon, baging, ubas, bulaklak, at paru-paru. Sa mga habing piña na ginagamit sa mga Simbahang Katoliko makikita naman ang mga disenyo tulad ng ubas, bituin, korona, at krus.


Mungkahing Basahin: