Buwan ng Kababaihan
Buwan ng Kababaihan | @dswdfo5


MALIGAYANG ARAW NG KABABAIHAN!


BALIK-TANAW: Ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan ay nagsimula sa mga pagdaraos ng mga kababaihan noong 1920s. Sa gitna ng 1909 at 1911, ilan sa mga manggagawang kababaihan sa Estados Unidos ay lumahok sa pagwewelga na isinagawa ng National Women’s Trade Union League. Ang mga protestang naganap ang nagbigay daan sa pagwawakas sa mababang pasahod at kakulangan sa batas na nangangalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa.


Sa Pilipinas, ang buwan ng Marso ang itinalagang buwan upang ipagdiwang ang mga natatanging kontribusyon ng mga kababaihan sa bansa.


Sa kontekstong ito, ang mga nakaugat na problema ng mga kababaihan sa lipunan ay pinag-uusapan, binibigyang pansin at ninanais na mabigyang solusyon. Sa pangunguna ng Philippine Commission on Women, ang adbokasiya ay nagpapatuloy at isinasagawa sa mga-iba’t ibang opisina, ahensya at organisasyon ng pamahalaan.


Ang bagong tema para sa taunang kampanyang ito ay parehong positibong paninindigan at isang tawag sa pagkilos. Taglay nito ang ating pag-asa at ambisyon na TAYO ay para sa Pagkakapantay-pantay ng Kasarian, TAYO ay para sa isang Inklusibong Lipunan.


Mungkahing Basahin: