Pakabo

Pakabo | @nayongpilipino.museo


Talaandig (Bukidnon)


Ang “Pakabo” ay kasuotang pang-itaas ng mga babaeng Talaandig mula sa Bukidnon. Mayroon itong hugis kampanang manggas. Kabilang sa disenyo ng mga habi ng Talaandig ay ang pagtatagpi o ang pagpapatong-patong ng mga tela. Halimbawa nito ay ang “kinabuka”, o isang maliit na piraso ng tela na tinatahi sa kasuotan bilang disenyo. Isa pang disenyo ay ang “linabian”. Ito ay mga maliit na tela na may iba’t ibang kulay at kadalasang nilalagay sa harapan ng damit.


Kapansin-pansing disenyo din ang “ginontingan”, o disenyong pa-zigzag. Para sa mga Talaandig, ang “ginontingan” ay nagpapaalala sa kanila na sila ay mga anak ng makulay na ibong “Pagpayak”. Mayroong ding kaugnayan kay "Magbabaya", isa sa mga diyos ng mga Talaandig, ang kanilang mga disenyo.


“Manunulam” ang tawag sa mananahi ng mga Talaandig na dumadaan sa pagsasanay at ritwal.


Mungkahing Basahin: