ramit

Ramit | @nayongpilipino.museo


Hanunuo/Buhid Mangyan (Mindoro)


Ang “ramit” ay habi ng mga Hanunuo at Buhid Mangyan mula sa pulo ng Mindoro. Kadalasan, ito ay isinusuot bilang pang-ibaba ng mga kababaihang kasapi ng pangkat. Mayroong dalawang kapansin-pansing disenyo ang “ramit”. Una ay ang “minatahan-mata”, na hango sa mga mata ng uod (caterpillar). Naniniwala ang mga Mangyan na pinangangalagaan ng “minatahan-mata” ang nagsusuot nito mula sa masasamang elemento. Ang ikalawang disenyo naman ay ang “bugtang”, na hango sa iba pang mga hugis. Maaaring bughaw at puti, o itim at puti ang kulay ng “ramit”. Kinukulayan ang hiblang ito gamit ang halamang tagum, o indigo.


Mungkahing Basahin: