Pinalantupan

Pinalantupan | @nayongpilipino.museo


Yakan (Basilan)


Ang Pinalantupan ang kasuotang pang-ibaba ng mga kababaihang Yakan sa Basilan. Ang mga kulay ng Pinalantupan ay hango sa iba’t ibang kulay ng bahaghari. Mayroong iba’t ibang disenyo at detalye ang kasuotang ito. Isa na dito ay ang hugis diamante na tinatawag na "mata-mata" o "dinglu-dinglu", na representasyon ng butil ng bigas at masaganang ani. Ang mga hugis diamanteng ito ay sumisimbolo din ng kayamanan. Mayroong kaugnayan sa "mata-mata" o "dinglu-dinglu" ang mala-letrang X na disenyo na bahagi din ng habi. Kinakatawan nito ang lusong at halo, o ang kagamitang gamit sa pagbayo ng palay.


Katabi din ng "mata-mata" o "dinglu-dinglu" ang disenyo na hango sa pakpak ng paro-paro, o "kaba-kaba" sa mga Yakan. Ang disenyong ito ang isa sa pinakamasalimuot gawin.


Madalas, ang mga disenyong habi ng mga Yakan ay kumukuha ng inspirasyon sa kapaligiran. Kabilang na dito ang mga halaman, hayop, at mga tanawin. Pinapakita nito ang pagpapahalaga ng mga Yakan sa kapaligiran bilang kanilang tirahan at pinagmumulan ng kabuhayan.


Mungkahing Basahin: