Habing Balakbak
Habing Balakbak | @nayongpilipino.museo
Aeta (Aurora) at Batak (Palawan)
Ang Habing Balakbak, o telang gawa sa balat ng puno ng kahoy, ang isa sa mga pinaka-unang uri ng tela na ginawa at ginamit ng ating mga ninuno sa Pilipinas. Tinatawag itong “namwan” ng mga Batak sa Palawan, at “bëg” sa ilang pangkat ng Aeta ng Gitnang Luzon. Gumagawa din nito ang mga pangkat etniko Dumagat, Ifugao, at marami pang iba.
Ginagawa ang mga habing balakbak sa pamamagitan ng pagpukpok at pagpitpit sa mga balat ng punong kahoy hanggang sa maging manipis ito at lumabas ang mga hibla. Kadalasan nilalagyan ng kulay ang mga ito sa pamamagitan ng “ikat”. Ang prosesong ito ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng paglubog ng hibla sa tina. Maraming gamit ang habing balakbak. Maaari itong gawing kasuotan, pambalot ng namayapa, at iba pa.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Habing Balakbak "