Bado

Bado | @nayongpilipino.museo


Kalinga (Kalinga, Apayao)


Ang “bado” o “badu” ay damit pang itaas ng mga kababaihan ng Kalinga at ng iba pang pangkat sa Cordillera. Ang hibla nito ay gawa sa bulak na tinatawag ng mga Kalinga na “kapeh”. Ito ay kadalasang kulay itim at mayroong mahabang manggas.


Ang “bado” ay mayroong disenyong “ginamat”, o mga borda ng makukulay na tela. Bawat kulay ng tela ay mayroong kahulugan. Ang pula ay nangangahulugan ng katapangan. Ang kulay itim, ay sumisimbolo sa lupa, samantalang ang kulay dilaw naman ay sumisimbolo sa kayamanan. Makikita sa ibang mga “bado” ng Kalinga ang iba pang mga disenyo. Ilan dito ang “pawekan” (mother-of-pearl), abaloryo (beads), at mga balahibo ng ibon. Kasama din ang “inata-ata”, o hugis mata, sa disenyong kalimitang nilalagay sa mga “Bado” ng mga Kalinga.


Mungkahing Basahin: