Owes
Owes | @nayongpilipino.museo
Itneg (Abra)
Ang “Owes”, na isang kumot, ay isang uri ng habi ng mga Itneg ng Abra. Ang proseso ng paghahabi dito ay tinatawag na “pinilian”, dahil sa mahirap na paraan ng pagpili at pagbuo ng disenyo nito. Tinatawag na “kinarkayan” o “kinalkayan” ang disenyo ng “owes”. Sinisimbolo ng disenyong ito ang agos ng ilog. Ipinapakita ng “kinarkayan”, sa pagkakaugnay at pagkakaayos ng mga disenyo nito, ang mistulang umaagos na tubig ng ilog.
Kabilang sa mga disenyo at hugis na mayroon sa “kinarkayan” ay ang “minat-mata”, o hugis-mata, “binekbeklat”, o mala-ahas, “inar-arabas”, o mala-uod, “bag-ak”, o mala-bituin, na hugis. Ka kikitain din ito ng mga hugis tao. Gumagamit ng iba’t ibang kulay ang mga Itneg sa kanilang “owes”. Kabilang na dito ang “kasuba”, o kilay-rosas, “nangisit”, o itim, “sinamlaw”, o indigo, at “bangkudo”, o pula. Ang mga kulay o tina na ito ay mula sa mga ugat ng halaman, balat ng kahoy, dahon, at bunga ng puno.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Owes "