Kuafaw
Kuafaw | @nayongpilipino.museo
Bontoc (Mountain Province)
Ang “Kuafaw” ay makulay na habi ng mga Bontoc na nakatira sa Cordillera. Natatangi sa mga “kachangyan”, o ang mga may-kaya sa lipunan ng Boctoc, ang paggamit dito. Sa madaling sabi, ang habing ito ay nagpapakita ng antas o katayuan ng isang pangkat sa lipunan ng mga Bontoc. Maaaring gamitin ang “kuafaw” bilang “fitay”, o pambalot sa katawan o bahagi ng katawan, bilang damit ng mga babae, o panangga sa lamig. Ginagamit din ito ng mga “kachangyan” bilang pambalot sa namayapang kasapi ng pangkat tuwing isinasagawa ang ritwal ng paglilibing at pamamaalam.
Ang disenyo ng “kaufaw” ay tinatawag na “sinanggad-om”, o pinagsama-samang maliliit na mga bukas na tatsulok, dyamante, bituin, ahas, at malataong hugis. Ang maliliit na mga tatsulok at dyamante ay sumisimbolo sa palay at sa mga kagamitan sa pagbayo nito, gaya ng lusong at halo. Mula sa mga katas ng halaman, baging, at puno ang tina na ginagamit para kulayan ito.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kuafaw "