Dahilan ng sakit sa Cornea

Dahilan ng sakit sa Cornea | @PIA_RIII via Department of Health (@DOHgovph)


Ang cornea ang transparent na bahagi sa harap ng mata kung saan dumadaan ang ilaw para makakita tayo. 


Ang sakit sa cornea ay isa sa top 5 na dahilan ng labis na paglabo ng paningin at pati na rin sa pagkabulag sa buong mundo.


Sa Pilipinas, ang madalas na dahilan ng sakit sa cornea ay 

  1. trauma, 
  2. impeksyon, 
  3. komplikasyon mula sa operasyon, at 
  4. mga congenital na kundisyon.


Kung mayroon kang mga sintomas tulad ng pamumula ng mata, o panlalabo ng paningin, mangyaring kumunsulta kaagad sa pinakamalapit na Primary Care Provider sa inyong lugar.


Malabong mata’y iwasan. Pagkonsulta sa mata ipractice yan para sa isang Healthy Pilipinas!


Mungkahing Basahin: