ano ang monkeypox

Ano ang Monkeypox? | Pinagmulan: @PIA_RIII via @DOHgovph via US CDC at WHO


Ito ay isang sakit na dulot ng Monkeypox  virus na may mga sintomas na kahalintulad ng smallpox. Kadalasan ay hindi ito nakamamatay ngunit nakakahawa.


Ang sakit na ito ay nakukuha mula sa direktang skin-to-skin contact kaya extra ingat tayo sa pagdikit ng balat sa iba!


Maari rin itong makuha mula sa secretions o likido mula sa katawan ng isang taong may Monkeypox.


Ano ang mga sintomas ng Monkeypox?

  • Lagnat
  • Pagsakit ng ulo
  • Pananakit ng katawan
  • Kulani
  • Chills o panginginig
  • Matinding pagkapagod
  • Pananakit ng lalamunan, ubo, baradong ilong
  • Pagpapantal na mukhang pimples o maliliit na paltos (blisters) sa mukha, loob ng bibig, kamay, paa, dibdib, ari, puwet.


Gaano katagal ang pagkakaroon at paggaling sa sakit na ito?


Incubation Period: 5 araw - 3 linggo

Tagal ng sintomas: 2 - 4 linggo


Ang Incubation Period ay bilang ng araw mula pagkahawa hanggang sa paglitaw ng unang sintomas.


Ang tagal ng sintomas ay ang tipikal ng tagal ng sakit na ito hanggang sa pagkawala ng sintomas. 


Nakakahawa ang mga pantal/butlig/paltos mula sa kanilang paglitaw hanggang sa tuluyang paggaling ng mga ito.


Paano kumakalat ang ang Monkeypox?

  • Skin-to-skin contact sa pantal, butlig, at likido mula sa katawan ng may Monkeypox,
  • Mga likido mula sa katawan ng maysakit tulad ng laway, sipon, o plema,
  • Contact sa mga tela or surface na kontaminado ng mga likidong ito,
  • Mula sa inang may Monkeypox sa bata sa sinapupunan.


Ang exposure sa Monkeypox virus ay tumataas sa mga aktibidad na may mataas na skin-to-skin exposure tulad ng:

  • Pakikipagsiksikan,
  • Pakikipagtalik,
  • Pakikipaghalikan,
  • Matagalang pakikisalamuha sa iba,
  • Pagmamasahe ng katawan,
  • Pakikipagyakapan.


May gamot ba o bakuna laban sa Monkeypox?


Wala pang tiyak na gamutan laban sa Monkeypox. Sa ngayon ay nagbibigay ang mga doktor ng alaga at gamutan base sa mga sintomas ng pasyente (halimbawa: paracetamol para sa lagnat at hapdi dulot ng pantal.)


Ano ang dapat kong gawin? 


Protektahan ang sarili

Kung maaari ay magsuot ng long-sleeves at pantalon upang matakpan ang balat,

Magsuot ng face mask,

i-sanitize ang mga kamay,

Iwasan ang pakikipagsiksikan.


Paano naman kung ako ay sexually active o may planong makipagtalik?


1. Maging maingat sa pakikipagtalik

- Kilalanin nang mabuti ang kapartner at alamin kung may kakaibang pantal, butlig, o paltos,

- Limitahan ang bilang sexual partners. Tumataas ang risk of exposure sa Monkeypox sa mga taong may iba't-ibang sexual partners,

- Kahit na ang monogamous relationships (iisa ang partner) ay kailangang mag-ingat at alamin ang exposure ng isa't-isa,


2. Practice Safer Sex

- Go virtual, Gumamit ng video call kasama ang partner na pinagkakatiwalaan mo,

- No touch, Maaaring mag-self pleasure muna nang magkahiwalay ang mag-partner.


Ang Monkeypox ay hindi itinuturing na isang sexually transmitted infection (STI) ngunit kadalasan ay naipapasa ito dahil sa skin-to-skin contact habang nakikipagtalik o sa mga iba pang intimate na aktibidad.


May mga sintomas ako, Ano ang dapat kong gawin?

  • Mag-isolate at iwasan ang physical contact sa ibang tao,
  • Wag hawakan o kamutin ang mga pantal, butlig, at paltos,
  • Madalas na i-sanitize ang kamay,
  • Magsuot ng long-sleeves, pantalon, at face mask,
  • Komunsulta agad sa iyong pinakamalapit na health facility at ipagbigay alam ang iyong history at sintomas.


Mungkahing Basahin: