Bakuna para sa bayan

Bakuna para sa bayan


Ang bulutong ay isa sa mga pinaka nakamamatay na sakit sa kasaysayan, at ang mga tao na nakakakuha nito noon ay madalas na namamatay. Ang bakuna laban dito ay na-imbento ni Edward Jenner noong 1796, at noong 1803, si Haring Carlos IV ng Espanya ay nagpadala ng ekspedisyon papuntang Maynila para magbakuna ng mga tao sa lungsod. Dahil hindi pa na-iimbento ang ref noong araw, ang bakuna ay dinala gamit ang mga bata.


Sa ating modernong mundo, ang antibiotics ay mahalagang pang-gamot ng mga sakit na sanhi ng bakterya. Pero ang bulutong ay hindi sanhi ng bakterya dahil ito ay sanhi ng virus. Dahil dito, ang pagbabakuna ay mahalaga para maiwasan magka-virus ang mga tao. Ano ang mga bakuna na nakuha mo noong maliit ka pa?


Mungkahing Basahin: