Pinapaalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang wastong paggamit ng salapi. Ayon sa Presidential Decree No. 247, bawal at may karampatang parusa ang sadyang pagsira ng salaping papel, polymer, at barya.


Bawal din ang sumusunod:

  • pagsulat o paglagay ng marka,
  • pagpunit,
  • paggupit,
  • pagbutas, o
  • sadyang pagsunog,
  • labis na paglukot o
  • pagtupi,
  • pagbabad sa kemikal, at
  • pag-staple o
  • paglagay ng anumang pandikit.


Ang salapi ay pambayad sa mga produkto at serbisyo.


Panatilihin natin ang integridad ng salapi ng Pilipinas sa pamamagitan ng wastong paggamit nito.


Ireport agad ang anumang impormasyon ukol sa sadyang pagsira ng salapi sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o makipag-ugnayan sa BSP Payments and Currency Investigation Group sa email address na pcig@bsp.gov.ph.


Mungkahing Basahin: