Ang buwan ng Abril ay itinakdang Pambansang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Blg. 968 s. 2015. Layon nito na maipalaganap ang panitikang Pilipino at lalo pa itong pagyabungin. Ngayong taon ang tema ay Budyong Panitikan.


Ang budyong ay salitang Cebuano na nangangahulugan ng trumpeta o kaya naman ay magsagawa ng malakas na ingay. Kaya nararapat na gawan natin ng malakas na ingay ang pagpapalaganap sa ating panitikan upang mas maihatid sa ating komunidad.


Abangan ang aming ilang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang. Ang mga ito ay maaari ninyong lahukan habang kayo ay nasa inyong mga tahanan.


Mungkahing Basahin: