Paynawa
Sa mahigit isang taong nababalot sa karanasan ng pandemya, marami tayong naiungkat na mga nakasanayang kaugalian. Isa na rito ang napakabilis na takbo ng mundo. Hustle culture, kung tawagin. Ngunit sa pagmamadali, may naiiwan, may nakakalimutan. Sa panahong ito natutunan ko na ang halaga ng pagpapahinga ay kasing tumbas ng pagsisipag.
Pinili ko ang salitang pahinga o paynawa sa salitang Kapampangan. Naiintindihan ko ang lenggwahe, ngunit hindi ako nakakapagsalita. Sa paggamit ng wikang ito sa @tipongpilipino, nais kong gumawa ng sarili kong ugnayan sa salita at sa kultura na ipinapahayag nito.
Napakayaman ng kultura ng Pampanga pagdating sa paghahabi ng banig at pag-ukit ng muwebles, kaya gusto ko sanang maibahagi iyon sa pamamagitan ng ang aking disenyo. – gawa ni @kyl.art.inio isa sa aming mentees sa kasalukuyang type design mentorship program namin
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Paynawa "