hayssst


Hayssst – isang ekpresyon na naghahayag ng pagkadismaya.


Kung ikukumpara sa ibang mga salitang itinampok sa taong ito ng PiliPino na elegante, malalim, at misteryoso, ang salitang “HAYSSST” ay balbal, Jeje, at mas madalas mong nakikita sa FB at Twitter (lalo na pag naglipana ang mga trolls sa iyong newsfeed).


Pero bakit ko ito nga ba ito napili? (Sa totoo lang, may iba talaga akong napili, kaso meron akong naging kapareha. Pero dahil kyut na at mabait pa ako, nagparaya na lang ako hehez)


Eto na nga, magmula kasi nung sumiklab ang pandemya noong nakaraang taon, di na natigil ang pagdating ng mga suliranin, may lockdown, may ECQ, GCQ, mecq, di pa nagsawa etong si beerus at daig pa si Pikachu, may pagevolve-evolve pa to delta, at kung ano anong variations. Higit na ding isang taon magmula noon, pero sa mga nagaganap nitong mga nakaraang araw, hindi sa pag-ige eh, kundi sa palala ang nangyayare, mapapabuntong hininga ka na lang talaga at mapapasabi ng “Hay buhay”, pero dahil gusto ko “in” ako sa mga nakikita ko sa Facebook “HAYSSST” ang peg ko sabihin. Di ka naniniwala? Subukan mo manood ng balita, di makakaabot ng patalastas eh mapapa-HAYSSST ka sa mga hanep na news segment, Kaso ng mga nagkakaCOVID? Record-breaking, Compensation sa mga frontliners? Heart-breaking.


Dama Ko Lahi Ko? Marahil hindi, ilang buwan din akong ‘di lumalabas ng bahay, hanggang ngayon ang pisikal na pakikisalamuha ko ay limitado pa din sa mga kamag-anak ko. Pero kung nadarama ko man, kahit konti, malamang ang salitang ito ang nasa isip ko. Gawa ni @kingpaulovasquez isa sa aming mentees sa kasalukuyang type design mentorship program namin.


Mungkahing Basahin: