Paghahahabi ng T’nalak

Paghahahabi ng T’nalak | @naccaofficial (Kumuha ng Larawan: Jan Katherine C. Rojas)


Paghahahabi ng T’nalak mula sa Lake Sebu, South Cotabato (Registered Property, Municipality of Lake Sebu, South Cotabato)


Sa panahon ng pre-kolonyal, ang paghahabi ng T'nalak ay isang kasanayan sa pamayanang kultural ng T'boli. Halaw ang mga disenyo mula sa kalikasan na may gabay ni “Fu Dalu”, ang diwata ng “kedungon” – abaca. Ang paghahabi ng t’nalak ay maaaring gawin sa tahanan at maging sa mga sentro ng paghabi. Layunin nitong ipagpatuloy ang mga tradisyon ng paghabi para sa pagkakakilanlan ng identidad ng mga T’boli. Sa kasalukuyan, mayroong higit sa 100 na disenyo ng T’nalak; mula sa mga ibon, palaka, pako, kalasag at iba pa. Ang bawat disenyo ay repleksyon ng kultura at tradisyon ng mga T’boli at ng kanilang komunidad.


Mungkahing Basahin: