Piyaya
On Pagkain
Ang piyaya (o piaya) ay isang pagkaing Filipino na pinipí, hugis bilóg, at gawa sa matigas-tigas na tinapay na pinalamanan ng muskobadong asukal. Hindi ito nakapagtataká, dahil nagmumula ang piyaya sa Negros Occidental, ang kilaláng pangunahing gawaan ng asukal sa bansa. Kilalá naman ang kalapit na lalawigan, ang Iloilo, bilang gawaan ng piyaya.Kadalasan ay kulay putî ang piyáya sa labas at may patse-patse ng kayumanggi, mga tanda ng pagkakaluto nitó. Mayroon ding piyaya na nilahukan ng ube kayâ kasinkulay nitó. Kinakain ang piyaya na parang biskuwit at kadalasang isinasabay sa meryenda. Pinakamasarap ang piyaya kapag mainit-init pa at hindi sobra ang tamis.
No Comment to " Piyaya "